Barangayanihan sa kalsada muling inilunsad ng PNP HPG

CAMARINES NORTE – Naglunsad muli ng Community Pantry ang PNP Highway Patrol Group kaninang umaga sa tapat ng kanilang Provincial Headquarters sa Brgy. Binanuan, Talisay, Camarines Norte.

Ito na ang ikalawang community pantry na inilunsad ng HPG bilang munting handog sa mga tsuper, kundoktor at motorista na tinawag na “Barangayanihan sa Kalsada.”

Nagsimula ang aktibidad alas 6 ng umaga kanina at mabilis na naubos ang laman ng pantry dahil hindi lang mga tsuper at kundoktor  ang pumila kundi ang maging ang general public.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Hindi bababa sa isang daang katao ang nabigyan ng bigas, de lata, instant noodles, itlog at gulay na kahit papaano ay malaking tulong na rin para maitawid ang kanilang pangangailangan sa gitna ng hirap ng buhay dahil sa pandemya.

Umapela naman ang HPG sa mga may kakayahang tumulong na mag donate sa kanilang community pantry.

Nais kasi ng grupo na gawing tuloy- tuloy ang aktibidad kahit isang beses man lang sa isang linggo.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Sa pamamagitan umano ng pinagsama- samang donasyon ay marami ang maaaring matulungan na mga naghihirap sa buhay.

Noong nakaraang Linggo ay naglatag ng community pantry ang Guardians of the Highway sa isang terminal dito sa Daet.