Aklan, tinanggal na ang COVID-19 test para sa fully-vaxxed tourists

Makakapasok na sa Aklan at Boracay Island ang mga fully-vaccinated tourists at returning residents, nang hindi na magpi-presenta ng negative RT-PCR test results.

Ito ang inihayag ng pamahalaang panlalawigan, matapos na buksan ng national government ang borders ng Pilipinas, para sa mga fully vaccinated foreign nationals at tatanggalin na ang mandatory quarantine, simula sa Feb. 10.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

At bilang patunay na sila ay kompleto sa COVID-19 shots, kailangan nilang ipresenta ang VaxCertPH COVID-19 vaccination certificate na may full vaccination status; Locally-issued vaccination card/ID na may full vaccination status at may verifiable QR code, o may contact details ng vaccination center; o maari ring World Health Organization International Certificates of Vaccination and Prophylaxis/ vaccination card o certificate na ibinigay sa abroad.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Samantala, ang mga unvaccinated o partially unvaccinated individuals, ay kailangan paring i-attach ang kanilang negative RT-PCR test, na kinuha sa loob ng 72 hours bago ang departure sa kanilang pagpirma sa Online Health Declaration Card (OHDC) sa touristboracay.com. //MHEL PACIA-TRINIDAD