Guanzon: Lease rentals ang iprenesentang receipt para sa tax deficiencies ni Marcos Jr

Ibinunyag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, na ang receipt of payment para sa tax deficiencies na iprenesenta ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. ay payments umano para sa lease rentals.

Ayon kay Guanzon, binigyan umano nila ang kampo ni Marcos ng ilaw araw para magproduce ng ceritifed copy ng naturang resibo, pero wala naman silang naisumite.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Matatandaan na noong December 2021, nagpakita ang tagapagsalita ni Marcos ng certification mula sa Bureau of Internal Revenue, na nagsasabing nagbayad umano ito ng kanyang tax deficiencies at multa para sa 1982 hanggang 1985 sa Land Bank of the Philippines.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Pero giit ni Guanzon, iba ito mula sa multa ng Regional Trial Court, dahil may certification ang RTC na wala pang satisfaction of judgement, kaya doon dapat umano sila nagbayad ng multa, at iba ang tax deficiency na babayaran sa BIR. //MHEL PACIA-TRINIDAD