Proposed construction ng Evacuation Center at Riverwall sa dalawang barangay sa Basud nakakuha na ng “green light” sa Sangguniang Bayan

BASUD, CAMARINES NORTE – Inaasahang uusad na ang mahalagang proyekto sa dalawang Barangay sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Kahapon sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ay agad na tinugunan ang hiling ng Local Chief Executive na magpasa ang una ng resolusyon na nag- eendorso sa Department of Budget and Management (DBM) para sa proposed construction ng Evacuation Center sa Brgy. Poblacion 1 at Riverwall naman along Basud River sa Brgy, Mampili.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Ang proposed construction ng Evacuation Center ay nagkakahalaga ng P20, 000,000.00 at ganitong halaga rin sa Riverwall.

Ang pondo na hihilingin sa DBM ay sa pamamagitan ng Local Government Support Fund- Other Financial assistance to the Local Government Units para sa Fiscal Year 2021 sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang naturang kahilingan ay sinertipikang “urgent ng Alkalde” at ni- refer sa Committee on Infrastructure and Public Utility ng SB.