PNP sinimulan na ang deployment sa mga quarantine facilities at hotel

Sinimulan na ng Philippine National Police ang pagdedeploy ng kanilang mga tauhan para magbantay sa mga quarantine hotel.

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte magkakaroon ng dalawang police personnel na magbabantay sa mga quarantine facilities at hotel sa pamamagitan ng 12-hour shift.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sinabi ni Carlos na halos nasa 600 police officers ang ipinakalat nila sa iba’t-ibang mga quarantine facilities.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Nabatid na ang naging hakbang ng PNP ay matapos magviral ang dalawang balik-bayang Pinay mula US na tumakas sa quarantine hotel sa Makati.