LGU-Mobo nagpadala ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Cebu

SORSOGON CITY – Aabot sa tatlong trak ng relief goods ang naipadala ng LGU-Mobo sa mga biktima ng bagyong Odette sa Cebu.

Ang relief goods ay naglalaman ng bigas, grocery itmes, malinis na tubig at iba pang pangunahing kailangan sa pang-araw-araw ng mga biktima.

Read More:  Philippine Eagle Foundation urges public to protect Philippine Eagles

Aabot naman sa 15 rescuers mula sa Mobo MDRRMO ang pinadala na tutulong sa rescue at clearing operations.

Kabilang sa nagpa-abot ng tulong upang makabili ng grocery items ay mismong alkalde ng nasabing bayan na si Raymund Salvacion.

Read More:  Fuel squeeze brings four-day workweek back to two Negros LGUs

Inaasahan na mga 1,500 na pamilya ang makikinabang sa mga relief goods.

Ang bayan ng Mobo ay kabilang sa 5th class municipality ng islang lalawigan ng Masbate.