Bilang ng mga batang na-oospital dahil sa COVID-19 sa New York dumarami

Tumaas nang limang beses ang pediactric coronavirus hospital admission sa New York saklaw ang petsang December 11 hanggang 23.

Kaugnay nito, hinimok ni New York city governor Kathy Hochul ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak at huwag kakaligtaan ang gap ng first at second dose.

Read More:  42,000 residents evacuated as wildfire spreads rapidly in Reno, Nevada

Nakatakda namang ipadala sa mga New York city schools ang 2-million testing kits sa Biyernes.

Samantala, 608 nursing homes residents naman sa New York ang mayroon isa na tinamaan ng COVID-19 habang two-thirds ng nursing home residents ang fully vaccinated at boosted.

Read More:  Alhambra in Spain limits tourist access after series of earthquakes

Aminado naman ang ilang opisyal na 90% ng mga nursing home residents ang vaccinated pero hindi pa naisasagawa ang pagtuturok ng booster shots.