NTC sa telcos: Maghanda para sa pagtaas ng internet traffic ngayong holiday

Pinayuhan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang public telecommunication entities at internet service providers na maghanda para sa surge ng internet traffic ngayong Christmas season.

Giit ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, laging inaasahan ang pagtaas ng internet traffic sa panahon ng holidays.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Binanggit rin ni Cordoba ang nakaraang pahayag mula sa Department of Health na naghihimok ng pagsasagawa ng Christmas parties sa pamamagitan ng virtual dahil sa banta ng COVID-19 Omicron variant.

Partikular na tinukoy ng opisyal ay ang period na mula December 17, 2021 hanggang January 7, 2022.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Dahil dito, kailangan na magpatupad ang mga providers ng heightened level ng emergency preparedness para matiyak ang minimal disruption at downtime, upang mahigpit na tumalima sa prescribed service performance standards sa lahat ng panahon. //MHEL PACIA-TRINIDAD