Serbisyo ng Globe Telecom, naibalik na sa ilang lugar na tinamaan ng Odette

Inihayag ng Globe Telecom Inc. na naibalik na ang mga serbisyo nito sa Bukidnon, Agusan del Sur, Camiguin, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

Sinabi ng kompanya na nasa 40 ang towers nito na naapektuhan sa Visayas at Mindanao.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

Ipinunto ng Globe na pinakamatinding tinamaan ay ang towers nila sa Negros, Bohol, at Leyte at pati na rin ang 20 towers na labis na napinsala sa Cebu.

Nagtayo naman ng 16 na Libreng Tawag at Libreng Charging (LTLC) stations ang Globe sa Visayas at Mindanao.

Read More:  VP Sara’s camp questions withdrawal of two impeachment articles

Pinalawig naman ng Globe ang kanilang one-day unlimited text to all networks para sa prepaid customers na nakatira sa mga apektadong lugar.