50 patay sa pagsabog ng fuel tanker sa Haiti

Patay ang mahigit 50 tao matapos sumabog ang isang fuel tanker sa northern Haiti.

Ayon sa report, sinusubukang masamsam ng mga tao ang nagli-leak na fuel mula sa naaksidenteng tanker sa lungsod ng Cap-Haitien nang bigla itong magliyab.

Read More:  139 migrants, including 15 children, dead after boat capsizes off Djibouti

Napuno naman ng mga sugatang biktima ang ospital malapit sa lugar .

Kaugnay nito ay sinabi ni Prime Minister Ariel Henry na nagluluksa sila ngayon kasabay ng deklarasyon niya ng 3-day mourning.

Read More:  Pope Leo XIV rests well as he recovers from lung surgery

Nangangamba din ang mga lokal na opisyal na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa tindi ng sunog ng mga ginagamot sa ospital kung saan aminado ang mga medical workers na kulang sila ng kagamitan para gamutin ang mga pasyente