Inumpisahan na ang kontruksyon ng mga bahay na uuwian ng dalawampung pamilyang nasunugan sa Brgy.Pag Asa, Olongapo.
Ito ay dahil sa unti-unti nang dumarating ang mga construction materials na donasyon ng ibat-ibang mga grupo at indibidwal sa lungsod at probinsya ng Zambales.
Matatandaan, noong November 16 ay nasunog ang isang compound sa lugar kung saan nakatira ang mga pamilya kabilang ang napakaraming mga bata.
Pasamantalang nanunuluyan sa multi-purpose building ng barangay ang mga nasunugan at inaasahang makakauwi sa bagong bahay bago ang araw ng pasko.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
