Kumpirmado nang isa sa mga hurado ng Miss Universe Pageant 2021 ang aktres na si Marian Rivera.
Kaugnay nito ay naghahanda na si Marian para sa paglipad niya papuntang Eilat Israel kung saan gaganapin ang coronation night sa December 12 (December 13, alas-7 ng umaga sa Pilipinas).

Aminado naman si Marian na bagamat nalulungkot siyang iwan ang kanyang mga anak dahil sa COVID-19 pandemic, ipinaliwanag niyang balang araw ay maiintindihan ng mga ito na bibihira ang ganitong pagkakataon kaya naman tinanggap niya ito.
Sa kabila naman ng kasiyahan ni Marian at ng iba niyang tagasuporta, hindi pa rin naiwasan na mayroong mga bashers kesyo daw kasi aabangan nila kung paanong idi-deliver ni Marian ang question nito na English.
Binigyang diin ni Marian na kilala naman siyang hindi nagpapanggap kaya gagawin lang niya nang natural at i-express ang sarili at tunay na nararamdaman sa araw ng coronation.
Samantala, kumpirmadong “handpicked” talaga ng Miss Universe Organization si Marian para maging isa sa mga hurado