Transaction slip at valid ID, requirement upang maisyuhan ng ATM card mula sa Landbank

SORSOGON CITY – Kinakailangan lamang ng transaction slip at isang valid ID upang maisyuhan ng ATM card ng Landbank o di kaya ng Rural Bank of Guinobatan Inc. ang mga nagparehistro sa PhilSys na wala pang  ATM card o account mula sa alin mang bangko.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Statistics Authority (PSA)-Sorsogon head  Elvira Apogñol.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon dito, ang mga nasabing bagay lamang umano ang kailangang ipresenta ng indibidwal upang maisyuhan ng nasabing wallet card.

Samantala, nilinaw ng opisyal na walang mga registration centers ang nagrerelease ng PhilSys ID, derekta itong ipinapadala sa mismong indibwal sa pamamagitan ng Philpost, kung saan transaction slip pa rin ang requirement upang ma-claim ito.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Pagtitiyak ng opisyal, may mangilan-ngilan na sa lalawigan ang natanggap ang kanilang National ID, at payo nito sa iba pang nakapagparehistro na na hintayin na lamang ang pagdating ng kani-kanilang ID.