Farmskuhan pormal ng binuksan ng DOT Bicol

CITY – Pormal ng binuksan ng Department of Tourism (DOT) Bicol ang Farmskuhan kasabay ang Christmas Tree Ceremonial Lighting kagabi.

Ayon kay Herbie Aguas, ang Regional Director ng nasabing tanggapan, ito na ang bagong simula ng pagbangon at pagbuhay muli ng turismo sa Bicol Region.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Aniya, hindi maaari na bumagsak ang turismo sa bawat rehiyon dahil malaki ang naitutulong nito sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa.

Inaasahan rin ang mga farm tourism workers ay magkakaroon na ngayon ng liwanag ang mga ito kahit mayroong nararanasan pandemya o kalamidad ang bansa.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Dagdag pa nito, hindi lang pagpapaganda ng Christmas tree ang kanilang layunin bagkus ay magkaisa ang Pilino at malabanan ang kinakaharap na problema sa covid-19.

Sinabi ng opisyal, ang Farmskuhan sa tanggapan ay magkakaroon ng showcase tuwing weekends.