Maring, nag-iwan ng 11 patay, 7 nawawala ayon sa NDRRMC

Naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na umabot na sa 11 ang napaulat na patay habang nasa 7 pa ang nawawala mula sa pananalasa  ng severe tropical storm Maring.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sinabi ng ahensya na bina-validate pa nito ang mga nasabing ulat.

Ipinunto naman ng NDRRMC na pumalo na sa 19,147 na indibidwal ang naapektuhan ng tropical storm.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Kabilang na rito ang 3,221 na residente na na-stranded at kasalukuyang nasa evacuation centers.