Presd’l adviser, nanawagan na luwagan pa ang restrictions para sa biz

Nanawagan si Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma. “Joey” Concepcion III sa pagbubukas ng mas marami pang ekonomiya sa final quarter ng taon, upang makarekober ang mga negosyo at makabayad ng kanilang dues.

Ayon kay Concepcion, mahalaga ang fourth quarter para sa mga negosyo dahil sa historically higher consumer spending kaugnay sa Christmas holidays.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Mababatid na isinusulong ng presidential adviser ang pagpapatupad ng “bakuna bubbles” sa mga closed groups gaya sa mga workplaces.

Sa kasalukuyang kondisyon na 30% lang ng indoor dining ang pinapayagan para sa mga fully vaccinated individuals sa Metro Manila, sinabi ni Concepcion na hindi naman masyadong kumita ang mga negosyo.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dahil dito, kailangan mataasan ang capacity sa kahit 50% upang makabangon pa ang mga negosyo hanggang sa 2022, o kahit 70% sa November o December. //MHEL PACIA-TRINIDAD