PH, bibili ng 6-M doses ng ‘single-shot’ J&J vaccines

Bibili ang Pilipinas ang anim na milyong doses ng single-shot Johnson and Johnson (J&J) vaccine.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang naturang bakuna ay gagamitin para sa alokasyon sa Enero.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Batay sa National Task Force Against COVID-19, ang Pilipinas ay nakatanggap na ng kabuoang 3.24 million doses ng J&J vaccine mula sa COVAX facility.

Samantala, ibinahagi ni Galvez na nakikipag-usap ngayon ang bansa sa apat na mga manufacturers para sa pagbili ng vaccine doses sa 2022.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Sa datos naman ng NTF, lumalabas na ang bansa ay nakatanggap na ng mahigit 75 million vaccines, kung saan, halos 46 million dito ay naiturok na. //MHEL PACIA-TRINIDAD