6 katao sa ibat-ibang barangay sa Tiwi, Albay nagpositibo sa Covid-19

LEGAZPI-Aabot sa anim na katao ang bagong naidagdag sa mga nagpositibo sa Covid-19 sa ibat-ibang barangay sa Tiwi, Albay base sa latest na ulat ng Department of Health Bicol.

Sa pinalabas na detalye ng Tiwi Municipal Health Office, ang nasabing mga persona ay mula sa barangay Joroan, Libtong, Tigbi, Coro-coro, Cararayan at barangay Belen.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Apat sa mga ito ang nakaranas ng sintomas ng nakakahawang sakit at resulta ng sinagawang Contact tracing.

Lumalabas rin sa report na isa sa mga ito ang nabakunahan na ng unang dose at asymptomatic.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa ngayon may kabuuhan ng 15 ang aktibong kaso at 175 naman ang kumpirmadong kaso ng tinamaan ng sakit simula ng pandemya.

Muli naman nagpaalala ang MHO sa mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna na at lagi pa ing sundin ang minimum health protocols para makaiwas sa sakit.