2021 Search for Most Outstanding Model Family sa So.Cot, nagsimula na

KORONADAL CITY- NAGSIMULA na ang Search para sa 2021 Most Outstanding Model Family sa probinsya ng South Cotabato.

Layunin nito na kilalanin at parangalan ang mga modelong mag-asawa at kanilang mga anak na nagpapakita ng maayos na pamamahala ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagmamahalan, pagpapakumbaba, value for education, hard work, Love of God at serbisyo sa kapwa.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Isa sa mga qualifications nito na ang mga magulang ay kailangang legally married, at kung may mga anak na may sariling pamilya, ang mga ito rin ay dapat kasal.

Ang deadline ng submission ng documentary requirements, video presentation at family scrap book ay itinakda sa August 31, 2021.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Para sa dagdag na impormasyon kaugnay sa general guidelines at requirements, makipag-ugnayan lamang sa Provincial Population Office (PPO) sa telepono 228-2786. Ang Most Outstanding Model Family ay makakatanggap ng premyong P 40,000 at trophy, P 30,000 sa 1st runner up at P 20,000 sa 2nd runner up, habang P 12,000 naman ang consolation prize.