11 kababaihan na sangkot umano sa prostitusyon, nasagip sa Tarlac city

Nasagip ng mga otoridad at ng City Social Welfare Department ng Tarlac City sa isang hotel sa Barangay San Isidro ang 11 mga kababaihan na nasasangkot umano sa prostitusyon.

Tatlong kabataan o mga Children In conflict with the law o CICL ang naaresto sa operasyon na itinuturong nagbubugaw umano sa mga biktima.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang tatlong kabataang suspect ang nag re-recruit umano ng mga babae para magbigay ng panandaliang aliw sa mga parokyano kapalit ng pera.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa R.A. 10364 o ang Anti Trafficking in persons Act.