Rider ng motorsiklo patay nang mahulog sa tulay ng Tinambac Camarines Sur

NAGA CITY- Patay ang 29-anyos na rider ng motorsiklo matapos na mahulog sa tulay at malunod nang tuluyan sa Tinambac Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng PNP nangyari ang insidente madaling araw pa nitong Huwebes sa Lupi Bridge Barangay Olag Pequeño. Nakilala ang biktima na si Alexander Rosales y Mendoza 29-anos ng Baras, Canaman parehong lalawigan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang tulay na ito ay tinatawag na rin ng ilan na “killer bridge” , ilan na ang nahulog ; motor, jeep, tumagulid na truck at ilan pang aksidente dahil sa porma ng kalsada.

Trinabaho na ng Department of Public Works and Highways 4th Engineering District ang masyadong mataas na bahagi subalit pakurbadang pataas pa rin ang lugar.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Pinag-iingat ng MDRRM Office ang mga daraan dito lalo pa kung hindi kabisado.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Romel Estolano, nakatakdang magkaroon muli ng inspeksyon ang mga tauhan ng DPWH.