Barangay council ng Sugod kumpleto na sa bakuna

SORSOGON CITY – Nakatanggap na nang kanilang mga bakuna ang halos buong barangay council ng Sugod sa distrito ng Bacon. Ito ang kinumpirma ni Punong Barangay Edmundo Albor.

Ayon dito, bukod sa kanya na siyang kauna-unahang naturukan sa kanilang barangay, bakunado na rin ang kanyang mga kasamahan sa konseho, kanilang mga barangay tanod at mga  Barangay Health Workers (BHW’s).

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Samantala tiniyak ng opisyal na mayorya sa kanilang mga residente ang payag ng magpabakuna at tanging nakahahadlang lamang upang mangyari ito ay ang kulang at limitadong suplay ng bakuna lalo na sa lalawigan.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Una rito, sinabi ng opisyal na Sinovac ang brand ng bakuna na itinurok sa kanila kung saan kanila na umanong nakumpleto ang 1st at 2nd dose nito.