DSWD – naghatid pa ng karagdagang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong #LeonPH

Nakapaghatid pa ng karagdagang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 1,660 family food packs sa lugar ng Batanes na sinalanta ng Bagyong Leon.

Ayon sa DSWD Region 2, 500 food packs ang naipadala gamit ang C295 Aircraft ng Philippine Air Force sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Civil Defense (OCD).

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Bukod dito, 1,160 food packs rin mula sa Villamor Airbase ang ibiniyahe sa Batanes gamit ang C-130 Aircraft.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Naging matagumpay naman ito dahil sa tulong ng mga pulis, militar, at Philippine Coast Guard (PCG).