Umabot na sa 5,835 ang mga kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Oktubre 5 ngayong taon.
Ito ay matapos ang 16% na pagtaas mula sa 5,050 na kaso noong nakaraang taon.
Tumaas ang bilang ng mga kaso sa lahat ng rehiyon sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo, maliban sa Central Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Caraga.
Nakapagtala naman ng 509 na nasawi dahil sa sakit na mas mababa taong 2023.
Pinapayuhan umano ang publiko na iwasan ang paglusong sa baha lalo na’t inaasahan pa ang mga pag-ulan sa bansa.