PhilHealth – target ang full digitalization bago matapos ang Marcos Administration

Patuloy na isusulong ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang full digitalization ng kanilang sistema bago matapos ang administrasyong Marcos.

Ayon kay PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr., layunin nitong mapalawak ang access sa mga serbisyo lalo na sa mga malalayong lugar.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Dagdag pa niya, nakatutok ang ahensya sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa mabilis na proseso ng automation.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa kasalukuyan, nasa procurement phase na ang proyekto, at kasama sa plano ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) para mabawasan ang fraud.