P2.9M na halaga ng agricultural projects, ipinagkaloob ng DA Region 2 sa Dinapigue, Isabela

Nasa 2.9 million pesos na halaga ng agricultural projects ang ipinasakamay ng Department of Agriculture Field Office No. 2 sa bayan ng Dinapigue, Isabela.

Ayon sa kagawaran,  ito umano ay upang lalo pang mapasigla ang larangan ng pagsasaka sa mga coastal towns sa lambak ng Cagayan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kabilang sa naturang proyekto ang isang unit ng tractor, isang spring development irrigation project, 500 packs ng 9-in-1 assorted vegetable seeds, 170 na sako ng hybrid at 200 bags ng inbred rice seeds.

Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Reynaldo Derije sa ipinagkaloob na mga proyekto ng kagawaran para sa kaniyang nasasakupan.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Positibo naman ang mga opisyal na magiging malaking katulungan ang bayan ng Dinapigue bilang contributor sa pagpapalago ng agriculture sector sa rehiyon.

Photo/ DA Region 2