PSC, tiniyak na hindi pababayaan ang seguridad ni VP Duterte

Tiniyak ng Presidential Security Command na hindi pababayaan ang seguridad ni Vice President Sara Duterte matapos ang pangamba ng Bise sa kanyang seguridad.

Read More:  Business group warns of economic risks in Jing Quan dispute

Ayon kay PSC Chief Major General Nelson Morales, professional ang PSC at siniguro nila ang kaligtasan ng pangalawang Pangulo.

Siniguro ni Morales na gagampanan nila ang kanilang misyon para tiyakin ang kaligtasan ng bise Presidente.

Read More:  10th Infantry Division denies AI-generated image showing support for Bato

Mababatid na naglabas ng open letter si VP Sara, dito ay giniit niya na isa umanong political harassment ang pagbawi ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil sa 75 police personnel na kanyang pinagkakatiwalaan.