2 dayuhan na may kaugnayan umano sa ilegal na POGO sa Bamban Tarlac na aresto sa Tuba, Benguet

Nadakip ng Bureau of Immigration ang dalawang dayuhan sa Tuba Bengeut dahil sa sangkot umano ang mga ito sa isang Philippine Offshore Gaming Operator sa Bamban Tarlac.

Read More:  Baste Duterte says VP Sara impeachment is meant to stop her 2028 presidential bid

Kinilala ang mga suspek na sina Wang Keping, 35, babae at Khuon Moeurn, 37, lalaki.

Ayon kay BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan Jr., nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission tungkol sa relasyon ng babaeng Chinese sa POGO.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Dinala na ang 2 dayuhan sa Maynila para sa booking at mananatili ang dalawa sa PAOCC habang nakabinbin ang deportation proceedings.