PCG umaasa sa tatalima ang CCG sa kasunduan ng dalawang bansa hinggil sa WPS

Umaasa ang Philippine Coast Guard na tatalima ang China Coast Guard sa kasunduan nito at ng Pilipinas kaugnay sa pagpapababa ng tensyon sa West Philippine Sea.

Ikinakasa na rin ang susunod na resupply mission ng Pilipinas sa naturang teritoryo.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Sinabi ng Chinese Foreign Ministry na papayag lang silang magkasa ng resupply mission kung aabisuhan sila at  kung may onsite inspection sa mga ide-deliver na BRP Sierra Madre.

Tinawag itong inaccurate ng foreign affairs department ng Pilipinas.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Giit ng DFA na nagtapos ang kasunduan na malinaw sa bawat panig na hindi makokontra ang posisyon ng parehong bansa sa isyu.

Mababatid na sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA na ang West Philippine Sea ay hindi kathang isip lamang at nandigan din si PBBM na sa Pilipinas lang ang WPS.