3 hackers na nasa likod umano ng cybersecurity breach sa Philippine Navy, naaresto ng NBI

Arestado ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang 3 hackers na nasa likod umano ng cybersecurity breach sa Philippine Navy.

Kanina, iniharap sa media ni NBI Director Jaime Santiago ang mga suspek kabilang ang isang tauhan ng Philippine Navy.

Ang grupo rin umano ang nasa likod ng 2016 hacking incident.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Naaresto ang mga suspect matapos ang entrapment operation na isinagawa ng NBI Cybercrime division.

Nahuli ang ang isa rito sa Quezon City , sa Makati ang isa habang ang isa pang suspek ay sa Cagayan de Oro City.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa panig ng Philippine Navy, walang nakuhang sensitong impormasyon sa kanila ang mga hackers.

Kaagad na na-detect ng Navy ang hacking incident kaya hindi na nangyari ang iaklawa at iaktlong attempt sa kanilang website.

Tiniyak ng Philippine Navy na patuloy ang pagpapataas sa seguridad ng kanilang website.