9-anyos pinatay at hinihinalang ginahasa ng lolo

Wala ng buhay na matagpuan ang isang 9-anyos na batang babae sa Lamitan City, sa lalawigan ng Basilan.

Sa report ng pulisya hinihinalang pinatay at ginahasa ang biktima ng suspek na isang 65-anyos na lolo.

Read More:  NOCECO implements rotating brownouts amid tight power supply

Napagalaman na nagpaalam umano ang bata na mamumulot ng nahulog na bunga ng mangga ngunit hindi na ito nakabalik.

Natagpuan na lamang itong wala ng buhay at nakapulupot sa leeg nito ang pajama na kanyang isinuot.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Agad naman nadakip ang suspek at sinampahan na ng kasong rape with homicide.