lalaking may problema umano sa pag-iisip, umakyat sa tower ng NAPOCOR

May problema umano sa pag-iisip ang lalaking naiulat na umakyat sa tower ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa Purok Tagumpay, Brgy. Inagawan, Puerto Princesa City bandang alas-nuwebe ng umaga nitong Biyernes, ika-12 ng Hulyo.

Ayon kay Kapitan Benjamin Salazar, ito ay kinilalang si Rene Baillo nasa hustong gulang at residente rin sa barangay.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Agad naman daw rumespondi ang mga recuers ngunit lalo pa itong umakyat ng mataas.

Ang lalaki ay kusa rin umanong bumaba matapos kausapin ng kanyang magulang.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Dahil dito napilitang mag-emergency shut-off ang NAPOCOR dahilan kaya nawalan ng kuryente ang limang munisipyo sa Sur ng Palawan kabilang na ang bayan ng Aborlan, Narra, Sofronio Espanola at Bataraza at Brooke’s Point.