Isang Chinese crew na naputulan ng daliri sa Antique, tinulungan ng Philippine Coast Guard

Tinulungan ng Philippine Coast Guard ang isang Chinese crew member na aksidenteng naputulan ng daliri habang nakasakay sa isang cargo ship sa Antique.

Ayon sa PCG, nahagi ng bakal na fan blade ang kaliwang hinalalaki ng 35-anyos na 2nd engineer ng Hongkong-flagged bulk carrier na MV BBG Qinzhou at kinailangan itong dalhin sa ospital.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ligtas namang nailikas ang Chinese crew na binigyan ng medical assistance ng mga medic ng Coast Guard habang dinadala Muelle Loney Wharf sa Iloilo City.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dakong alas otso kagabi nang iturn over ito ng PCG sa agent ng barko na siyang nagdala rito sa pinakamalapit na ospital.

Patungo sana ang barko sa Indonesia mula sa China nang mangyari ang insidente.