Buntis na babaeng Chinese, nahuli bilang lider umano ng kidnap-for-ransom group

Arestado ang isang buntis na Chinese na di umano ay lider ng kidnap-for-ransom group na kumikilos sa Pilipinas.

Nakita ang suspek sa isang condiminium sa Pasay City.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Sinabi ni Rendel Sy, BI Figurative Search Unit chief, nangingidnap daw umano sila ng kapwa Chinese dito sa Pilipinas, at kumokontak pa raw ito sa mga mabibiktima nilang kikitain.

Matapos ang operasyon sa pagkidnap ay hihingan naman ng ransom ang mga pamilya ng biktima na ginagawa sa pamamagitan ng cryptocurrency.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng BI ang suspek. (Justine Jumarang – Brigada News Intern)