Bilang ng mga delegado ng Bicol para sa nalalapit na Palarong Pambansa, aabot sa mahigit 700

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Education (DEPED) Bicol na umabot sa kabuuang bilang na 736 ang mga delegado ng rehiyon para sa nalalapit na Palarong Pambansa 2024.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DEPED Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil, sinabi niya na base ito sa pinakahuli nilang datos, kung saan mahigit 600 dito ang mga atleta o contingents, habang humigit-kumulang 100 naman ang mga delegation officials.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Ayon kay Jumamil, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para paghandaan ang nasabing aktibidad, tulad ng mga training at marami pang iba.

Read More:  Two dead after motorcycle collides with carabao in Negros Occidental

Samantala, goal nila ngayon na hindi makalabas sa 10th place ang rehiyon para sa nasabing palaro.