Bentahan ng mga produkto sa Pista ng Guibang, matumal

Matumal ang bentahan ngayon sa Kapistahan ng Guibang sa Gamu, Isabela kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.

Sa panayam ng Brigada News Team kay Renjie Sambu, isa sa mga nagtitinda sa harapan ng simbahan, malaking factor aniya na naitaon ang kapistahan sa weekdays kaya naging matumal.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Ilan sa mga produkto na maaaring mabili rito ay ang iba’t ibang mga rebulto, mga rosaryo, at iba pang mga religious products.

Read More:  DepEd assures psychosocial support after Ateneo de Zamboanga shooting

Kaugnay nito, napuno naman ng mga deboto ang National Shrine of Our Lady of the Visitation of Guibang para sa mga isinagawang mga misa.