Mga eskwelahan sa SDO Isabela, nagsagawa ng NLC

Isinasagawa ngayong araw, ikalawang araw ng Hulyo ang teaching-learning engagement para sa National Learning Camp o (NLC) ng SDO Isabela kung saan sabayan itong ipinapatupad sa iba’t ibang mga eskwelahan.

Layunin ng NLC na magbigay ng intervention, remediation, at mga enrichment camp activities na makatutulong sa mga estudyante na mapunan ang mga gaps at losses sa kanilang edukasyon dulot ng pandemya.

Read More:  Authorities raid Davao steel plant after alleged radioactive, substandard steel discovery

Kahapon ay nagkaroon na ng Collaborative Expertise (CE) activity ang mga guro na naging daan upang magbigay ng oportunidad na maibahagi nila ang kanilang mga teaching strategies na tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.

Tiniyak naman ng SDO Isabela na maia-apply na ng mga guro ang kanilang mga natutuhan sa CE sa unang araw ng teaching-learning engagement.

Read More:  Motorcyclist dies after getting caught in fallen power cable in Davao Oriental

Nagbaba na rin ng direktiba ang Schools Division Superintendent (SDS) na si Rachel Llana sa mga eskwelahan na tiyakin na ang mga aralin na naihanda ngayong linggo ay maituturo sa mga estudyante.

Tatagal naman ang naturang Learner’s Camp hanggang ika-19 ng Hulyo.