Labor group – kinuwestyon ang basehan at pinaghugutan ng P35 na taas-sahod sa NCR workers

Aminado si Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Legislative Officer Paul Gajes na hindi sila masaya sa inaprubahang dagdag na P35 para sa sahod ng mga manggagawa sa private sector sa Metro Manila.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Gajes, sinabi nitong napakalayo nito sa kanilang isinusulong na P150 wage hike.

Read More:  DPWH targets 11,395 infrastructure projects in 2027

Ayon kay Gajes, walang maibigay na rason ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board kung bakit P35 ang ibinigay na wage increase.

Read More:  House leader questions OVP ‘petty cash’ confidential fund handling

Hindi raw nila alam kung saan ito nanggaling.

Dahil dito, tiniyak ng TUCP na lalo nilang ipagpapatuloy ang isinusulong nilang inihaing panukala sa Kamara na P150 across-the-board na wage recovery act.