Iba pang sangkot sa paggawa at pagbibenta ng pekeng sigarilyo sa Zambales, under surveillance na

Ipauubaya na ng Botolan Municipal Police Station sa ibang ahensya ng pamahalaan ang pagtukoy sa mga indibidwal na responsable sa paggawa at maramihang bentahan ng pekeng sigarilyo sa Zambales at iba pang probinsya.

Ito ay pagkatapos na mahuli at masampahan ng kaso ang apat na indibidwal na suspek sa pagbibenta ng mahigit isang milyong halaga ng yosi sa ibat-ibang lugar sa bayan kung saan naaresto.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Ayon kay Botolan Pnp Chief Pmaj. Rolando Ballon, sa isang bodega sa North Luzon Expressway kinukuha ng mga suspek ang milyon-milyong halaga ng sigarilyo galing maynila at tsaka ibibenta sa ibat-ibang probinsya.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ganunpaman, tiniyak ni Ballon na nagsimula nang magtrabaho ang iba pang enforcement agencies para maaresto ang iba pang sangkot sa paggawa at pagbebenta.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of child, bottle and text