Gwardiya ng CNPH na nagsauli ng bag na naglalaman ng P1 milyon pinarangalan ng pamunuan ng ospital

CAMARINES NORTE – Pinarangalan nitong Lunes, July 1, 2024 sa flag raising ceremony ng pamunuan ng Camarines Norte Provincial ang kanilang security guard na nagsauli ng bag na naglalaman ng P1 milyon noong nakatalikod na buwan.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Iniabot ni Acting Chief of Hospital Dr. Liborio Ferrer kay Salvador Mirandilla ang plake ng pagkilala  dahil sa  ipinamalas niyang katapatan.

Una na ring pinagkalooban ng pabuya at parangal ng Provincial Government si Mirandilla at ginantimpalaan pa ng permanenteng posisyon.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Ayon sa hospital management, si Mirandilla ay nagpakita ng magandang ehemplo bilang empleado ng CNPH.