MIAA – inabisuhan ang mga travelers na mag-face mask kasunod ng napa-ulat na STSS case sa bansa

Pinaalalahanan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga bumibiyahe na sundin ang airport safety protocols sa gitna ng napapabalitang pagkalat ng Streptococcal Toxic Shock Syndrome (STSS), isang bacterial infection, sa Japan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ayon kay MIAA spokesman Chris Bendijo, ugaliin pa rin ang pagsusuot ng facemask, at takpan ang bibig kung uubo at babahing, at maghugas ng kamay bago kumain.

Ani Bendijo, hindi pa sila nakatatanggap ng report ng STSS infection sa bansa.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa kabila nito, naka-post na aniya ang mga health advisories sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para mag-raise ng awareness.