Detroit Pistons, inalis si head coach Monty Williams sa koponan

Binitiwan na ng Detroit Pistons si head coach Monty Williams matapos ang isang season na kanyang pananatili sa koponan.

Read More:  Carlos Yulo to lead PH Gymnastics Team at World Championships

Ayon kay Pistons owner Tom Gores, nagawa ni Williams na hawakan ng maayos ang naging hamon sa Pistons kasabay ng kanyang pananatili dito.

Si Williams ay dating nagsilbi bilang head coach ng Phoenix Suns kung saan nagawa nilang dalhin ang koponan sa NBA Finals.

Read More:  Alyssa Solomon signs with Thailand’s defending champions Nakhon Ratchasima

Hindi pa malinaw kung saan pupunta si Williams matapos ang kaniyang pagkakatanggal bilang headcoach ng koponan.