36 anyos na lalaki, tiklo sa drug buy-bust ops sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Tiklo ang 36 anyos na lalaki sa drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Dapdap, Legazpi City.

Ayon sa report, kumagat sa pain ang suspek na si alyas Eking, residente ng nasabing barangay matapos pagbentahan ng shabu ang poseur buyer.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Nang magkaabutan na ng drug items at buy-bust money, dito na inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang isa pang pirasong sachet ng shabu.

Read More:  School building engulfed by fire in Tudela, Misamis Occidental

Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya ng Legazpi City Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa sakanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.