Poste sa Legazpi City, nasunog; ilang barangay, nakaranas ng ilang oras na power interruption

LEGAZPI CITY – Nasunog ang isang poste sa Rizal St., Brgy. 7-Baño, Legazpi City, Albay kahapon.

Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi para maapula ang nasabing sunog.

Read More:  Pharmacist shot dead in Cebu City

Nagtungo rin sa lugar ang ilang mga tauhan ng Albay Electric Cooperative, Inc. (ALECO) para magsagawa ng kanilang imbestigasyon.

Read More:  60-year-old taxi driver robbed and stabbed by passenger in Cebu City

Dahil sa nasabing insidente, nakaranas ng ilang oras na power interruption ang ilang mga barangay sa Washington Feeder 3.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing sunog.