Kinilala ng Department of Justice (DOJ) ang ginawang pagpayag ng Supreme Court na ilipat ang mga kaso ni KOJC leader Apollo Quiboloy mula sa Davao City papuntang Quezon City Regional Trial Court.
Sabi ni Justice Sec. Remulla – sa ganitong paraan ay matitiyak na ligtas ang pamilya ng mga witnesses, mga prosecutor, at mga judge sa kaso.
Kung maaalala – pumalag na ang kampo ng televangelist hinggil sa naturang pagta-transfer ng kaso.
Sabi ng kaniyang abugado na si Atty. Israelito Torroen – posible silang mag-file ng motion for reconsideration para pakusapan ang Supreme Court.
Matatandaang pinabigyan ang hiling ni Justice Secretary Boying Remulla na i-transfer ang kaso sa Quzeon City RTC, matapos makakita sila ng sapat na dahilan para na rin mailayo ang pagdinig sa kaso, sa area na posibleng mayroong interes, o impluwensya ang akusado.