Boy Scouts of America, babaguhin na ang pangalan matapos ang mahigit isang daang taon

Matapos ang 114 na taon, babaguhin na ng Boy Scouts of America ang pangalan nito at magiging “Scouting America” na ngayon upang bigyang diin ang pagiging inclusive.

Read More:  Sri Lanka rescues 40 Iranian sailors after medical emergencies at sea

Ang rebranding na ito ay isang makabuluhang pagbabago para sa isang organisasyong puno ng tradisyon at hindi pinapayagan noon ang mga parte ng LGBT community.

Ngunit noong 2013, sinimula na ng Boy Scout ang pagpayag sa mga gay youth at tinanggal na rin ang ban sa mga gay adult na lider noong 2015.

Read More:  Costa Rica opens mega-prison for 5,100 inmates amid rising crime

Opisyal na magkakabisa ang pagbabago sa Peb. 8, 2025, na nakatakda sa ika-115 na anibersaryo ng organisasyon.