Mahigit 4,000 trabaho binuksan sa Camarines Sur at Naga City ngayong labor day

CAMARINES SUR – Nasa 4, 716 na trabaho ngayong labor day ang binuksan ng Department of Labor and Employment o DOLE Bicol sa Camarines Sur at Naga City. 37 sa local employers at lima sa overseas.

Kung saan isa si Ulysses Aborde, taga Alianza, San Fernando, Camarines Sur, pamilyadong tao,sa umaasang matatanggap bilang company guard o kahit na anong trabaho lalo na’t sa loob ng tatlong buwang bakante mahirap na walang napagkukunan ng income para sa pamilya.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa panayam kay Assistant Regional Director ng DOLE Bicol, Joan Noya-Nidua, ito ay taonan nang ginagawa para sa mga manggagawang Pilipino na hindi lamang para maproteksyonan, maipaglaban ang karapatan, bagkus ang matulungan na marami pa/ ang mabigyan ng trabaho lalo na sa panahon ngayon.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Dagdag pa nito, napagkakasya ang living wage na nasa P395.00 ang minimum, pero hindi ibig sabihin na hindi na kailangang dagdagan ang sahod, kailangan pa rin ng balansyado para na rin sa kalidad ng buhay ng bawat manggagawa.