Imahe ng birhen ng Peñafrancia at Divino Rostro dadalhin sa kampo ng pulisya

CAMARINES NORTE – Dadalhin sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Camarines Norte Police Provincial Office ang imahe ng mahal na ina, Nuestra Senora de Peñafrancia at Divino Rostro ngayong araw, pagkatapos ng farewell mass ni Bishop Rex Andrew Alarcon ngayong umaga.

Ito ang inanunsiyo ni Father Ronald Anthony Timoner, Chancellor ng Diocese of Daet matapos umanong hilingin mismo ng pamunuan ng Camarines Norte PNP.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Mismong si PNP Provincial Director PCol. Joselito Villarosa umano ang humiling sa pamunuan ng simbahan na mabisita ni Ina at Divino Rostro ang kampo bagay na pinagbigyan naman ng huli.

Ang pagbisita ni Ina at Divino Rostro ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika- isangdaang taong anibersaryo ng canonical coronation ng patrona ng Bicol at mananatili ito sa Diocese of Daet ng ilang araw.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa May 10 ay nakatakda namang ilipat ang mga imahe sa Diocese of Libmanan at sunod sunod na sa iba pang Dioceses sa Bicol.