Mga naapektuhan ng demolisyon sa Cabangan nabigyan ng cash assistance

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang higit siyamnapung pamilya sa Brgy.Camiing Cabangan, Zambales.

Ito ay ang mga pamilyang naapektuhan ng demolisyon sa loob ng labing-isang ektaryang lupaing claim ng pamilya Garcia.

Read More:  79IB turns anniversary celebration into day of service, environmental action in Calatrava

Ayon kay mayor ronald apostol,limang libong piso ang galing sa local government habang 10-thousand pesos naman ang mula kay Congresswoman Bing Maniquez.

Read More:  Online seller shot in head in Cebu City; Suspected hitman arrested

Liban dito ay una nang nakapagbigay ng 27-thousand pesos ang Garcia Clan sa limamput dalawang pamilya na lilipat sa relocation site.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO