1 patay, 3 sugatan sa aksidente sa Quezon, Palawan

Patay ang 15-anyos na angkas sa motorsiklo nang maaksidente noong Martes, Abril 23, 2024, sa National Highway sa Barangay Tagusao, Quezon, Palawan.

Ang mga sangkot na behikulo ay ang Honda Click 125i Motorcycle na minaneho ng 14 anyos, at ang Rusi Macho 125 Motorcycle ay minaneho ni RHENY PABLIO, 47 taong gulang.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Ang nasawi ay si ALJAID HABIBOLLA, 15 anyos, estudyante, siya ang angkas ng Honda Click 125i Motorcycle.

Base sa ulat ng pulisya, ang dahilan ng aksidente ay ang pagkadulas ng Honda Click 125i Motorcycle sa kalsada, hindi na ito naiwasan ng Rusi Macho 125 Motorcycle kaya bilang resulta, nasugatan sa hita ang driver (14-anyos) ng Honda habang si Aljaid ay nagkasugat at nawalan ng malay.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Nasugatan rin ang asawa ni RHENY na angkas niya ng oras na iyon.

Samantala, agad dinala ng MDRRMO ang mga biktima sa Quezon Medicare Hospital pero hindi umabot ng buhay ang estudyante (ALJAID) sa ospital.